Kinumpirma ng Kamara ang suporta para sa landmark digital, technological bills

Hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang mga kongresista na ipasa agad ang mga makabagong batas sa teknolohiya bago matapos ang 19th Congress.

“Internet para sa bawat barangay!” sigaw ni Romualdez sa panawagan na ipasa ang Open Access in Data Transmission Act para sa mabilis at maaasahang internet.

Gusto rin niyang maisabatas agad ang E-Governance Act para gawing digital at mas mabilis ang mga serbisyo ng gobyerno, at ang kauna-unahang batas sa Artificial Intelligence para siguraduhing ligtas ang AI tech at napro-protektahan ang privacy at dignidad ng bawat tao.

Buong-buo rin ang suporta niya sa ₱20/kilo na bigas ni Pangulong Bongbong Marcos. “Obligasyon natin ‘to sa bawat pamilyang naghihirap,” aniya.

Ipinagmalaki rin niya ang matagumpay na trabaho ng 19th Congress: 27 sa 28 priority bills ng LEDAC aprubado, 61 sa 64 Common Legislative Agenda bills pasado.

Ilan sa mga batas na ipinasa ay laban sa smuggling, suporta sa magsasaka (₱30B kada taon), proteksyon sa OFWs at seafarers, at pagsasanay sa kabataan para sa modernong ekonomiya.

Dagdag ni Romualdez: “Hindi lang ito salita — tunay na aksyon, tunay na malasakit!”
Ang Kongreso ay nakapaghain ng 13,868 na panukala at 1,493 na batas ang naipasa, kabilang ang 280 Republic Acts. | via Allan Ortega | Photo Courtesy of Speaker Romualdez’s office

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *