Babaeng lumabas sa imburnal, tinulungan ng DSWD

Makakatanggap si Rose, ang babaeng lumabas mula sa imburnal sa Makati at naging viral online, ng ₱80,000 na tulong pangkabuhayan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang makapagsimula ng sari-sari store.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, natupad ni Rose ang unang hakbang sa kanyang pangarap at nakita ng mga social worker na kaya niyang magpatakbo ng maliit na negosyo. Si Rose ay isang mangangalakal na pumasok sa imburnal para kunin ang kanyang nahulog na blade cutter.Tutulungan din ng DSWD ang kanyang partner na si Jerome, isang baker na may alam sa welding.

Plano ng ahensya na bigyan siya ng training o gamit para makatulong sa kanilang kabuhayan. Bilang balik-tulong, handang tumulong si Rose sa Pag-abot Program ng DSWD, upang hikayatin ang ibang taong-lansangan na lumapit at tumanggap ng tulong. | via Dann Miranda | Photo via PNA/Joan Bondoc

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *