₱13.6M na shabu nasabat sa QC

Sa isang matinding buy-bust operation sa Batasan Hills, Quezon City, nasakote ang isang lalaki na may dalang tinatayang ₱13.6 milyong halaga ng shabu nitong Lunes ng gabi, Mayo 27.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Jessie”, 43, taga-Antipolo, ay natiyempuhan ng mga operatiba ng Batasan Police Station 6 (PS6) habang nag-aabot ng shabu sa isang undercover agent kapalit ng ₱800,000. Bukod sa droga, nasamsam din ang cellphone, wallet, at marked money.

Ang operasyon ay isinagawa sa tulong ng PDEA sa kahabaan ng San Mateo Road bandang alas-9:35 ng gabi.

Kasalukuyang kinasuhan si Jessie ng paglabag sa RA 9165. Pinuri ni QCPD DDDA/OIC PCOL Randy Glenn Silvio ang walang pagod na trabaho ng kanyang mga tauhan at nangakong tuloy-tuloy ang laban sa droga sa ilalim ng “Triple A Program” ni PMGEN Anthony Aberin ng NCRPO. | via Allan Ortega | Photo via QCPD

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *