PhilHealth nagbayad ng mahigit P592 milyong pisong reimbursement para sa mga claim ng NKTI

Umabot sa P592 milyon ang binayad ng PhilHealth sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) mula Enero 1 hanggang Mayo 21 ngayong taon! Personal na bumisita si PhilHealth President/CEO Edwin Mercado sa NKTI nitong Miyerkules para tiyaking natatanggap ng mga pasyente ang kanilang hemodialysis at kidney treatment benefits.

Ayon kay Mercado, tugon ito sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na tutukan ang kalusugan ng taumbayan. Pinalawak na raw ng PhilHealth ang benepisyo para sa mga may chronic kidney disease stage 5 simula 2023! Mula 90 naging 156 sessions ang covered na hemodialysis kada taon, pinalaki sa P1.2 milyon ang Z Package para sa peritoneal dialysis at mula P600K naging P2 milyon na ang coverage para sa kidney transplant!

Sa hemodialysis pa lang, P161 milyon na ang ibinayad ng PhilHealth sa NKTI! Patunay ito na hemodialysis na ang number 1 na medical procedure na binabayaran ng PhilHealth sa buong bansa noong 2024! | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *