Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon ng libreng toll sa Skyway Stage 3 at odd-even scheme sa EDSA habang ginagawa ang major na rebuilding ng kalsada.
Ayon kay Transportation Sec. Vince Dizon, ito ay bahagi ng limang hakbang para iwasan ang inaasahang matinding trapik una libreng toll sa Skyway Stage 3, dagdag na 100 EDSA busway units, mas maraming tren sa MRT-3, paglilinis ng alternate routes sa mga sagabal at Odd-even scheme sa EDSA.
Simula na ito habang ginagawa ang EDSA! Sabi ni Public Works Sec. Manuel Bonoan, June 13 sisimulan ang preparatory works—hindi pa hukay agad, kundi paghahanda muna ng mga bahagi ng kalsada. Sa loob ng isang linggo, aasahan na ang aktwal na paghuhukay.
Samantala mukhang susunod din sa yapak ng San Miguel Corp. (SMC) si Business tycoon Manuel V. Pangilinan o “MVP” sa pag-waive ng toll fee habang inaayos ang EDSA! Ayon kay MVP, pinag-iisipan na ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) ang toll holiday sa mga expressway nila gaya ng NLEX Connector — isang 8-km elevated highway mula Caloocan hanggang Sta. Mesa.
“I think we should follow San Miguel’s lead,” ani MVP. Pinuri niya ang hakbang ng SMC bilang tulong sa inaasahang matinding trapik habang under rehab ang EDSA.
Simula Hulyo o Agosto, i-wa-waive ng SMC ang toll sa piling bahagi ng Skyway Stage 3 kung saan idedetour ang mga sasakyan. Kasabay nito, magpapatupad ng 24/7 odd-even coding scheme sa EDSA, magsisimula ang dry run sa Hunyo 16. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV