Pinagtibay ng Comelec ang pagbasura sa kaso ng diskuwalipikasyon laban sa mga Tulfo

Wagi ang Tulfo family matapos tuluyang ibasura ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang disqualification case laban sa kanila kaugnay ng pagtakbo sa halalan nitong Mayo 12.

Sa 6-pahinang resolusyon, pinagtibay ng Comelec ang desisyon noong Marso 4 ng First Division na nagbasura sa reklamo ni Atty. Virgilio Garcia. Ayon sa Comelec, kulang sa ebidensya at procedural lapses ang petisyon—wala man lang kalakip na Certificate of Candidacy ng mga inirereklamo!

Kasama sa pinuntirya ni Garcia sina senatorial bets Erwin at Ben Tulfo, party-list nominees Jocelyn Pua-Tulfo (ACT-CIS) at Wanda Tulfo-Teo (Turismo), at reelectionist Cong. Ralph Tulfo ng Quezon City.

Giit ni Garcia, political dynasty umano ang Tulfos at hindi rin raw natural-born Filipinos—pero ayon sa Comelec, hindi ito sapat na batayan. Wala pang batas na nagbabawal sa political dynasty kaya hindi puwedeng gamiting dahilan ang reklamo ni Garcia. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA/Avito Dalan

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *