Malagim na aksidente ang naganap sa Batasan- San Mateo Road, Quezon City

BABALA: Sensitibong Balita

Isang malagim na aksidente ang naganap sa Batasan- San Mateo Road, Quezon City bandang 11:30 ng umaga noong Mayo 28, batay sa dashcam footage ni Kristine Camille Villanueva.

Isang truck ang nawalan ng kontrol at sumalpok sa tatlong motorsiklo, isang kotse, at isang AUV. Tatlo ang nasawi habang pito ang sugatan sa insidente.

Arestado na ang 38-anyos na truck driver. Ayon sa kanyang pahayag, nawalan umano ng preno ang kanyang minamanehong truck kaya hindi na niya ito napigilan. | via Dann Miranda | Screenshot Photo from Alvin Villanueva’s FB post

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *