Isolated rain shower nararanasan sa malaking bahagi ng Pilipinas

Maghanda sa ulan at matinding init ngayong Huwebes! Ayon sa PAGASA, may kalat-kalat na pag-ulan at kulog-kidlat sa Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Bataan, Zambales, at Palawan dahil sa southwesterly windflow. Posibleng magdulot ito ng pagbaha at landslide, ayon kay weather forecaster Benison Estareja.

Sa ibang bahagi ng bansa, paisa-isang thunderstorm ang asahan pero walang bantang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa ngayon.

Pero heto ang mainit na babala: init index aabot hanggang 44°C sa Masbate! Sa Aparri, Tuguegarao, Isabela, Tarlac at Butuan, nasa 43°C ang heat index. Dagupan, La Union, Zambales, CamSur, Eastern Samar at Southern Leyte, pasok din sa 42°C danger zone!

Posibleng makaranas ng heat cramps, exhaustion, at heat stroke ang sobrang pagbababad sa init ng araw kaya mag-ingat ang lahat at ugaliing uminom ng tubig. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA/Joan Bondoc

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *