Nanawagan si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes sa Department of Transportation (DOTr) at MMDA na huwag isama ang mga senior citizens sa planong odd-even scheme na ipatutupad habang inaayos ang EDSA.
Sa hiwalay na sulat kina DOTr Secretary Vince Dizon at MMDA Chairman Romando Artes, sinabi ni Ordanes na mahalaga ang EDSA rehab, pero dapat isaalang-alang ang kalagayan ng mga nakatatanda.
Aniya, maraming seniors ang kailangang bumiyahe para sa check-up, therapy, at iba pang mahahalagang lakad na hindi basta-basta ma-reschedule dahil sa coding.
Dagdag pa niya, hirap sa pampublikong transportasyon ang mga lolo’t lola—dahil sa edad, iniinda nila ang init, ulan, at hirap sa biyahe.
Inalok rin ni Ordanes ang kanyang tulong para sa pagbuo ng ID system o registration para sa mga sasakyang gamit ng seniors, kung papayagan ang exemption. | via Lorencris Siarez | Photo via RENE H.
#D8TVNews #D8TV