Koreano, timbog sa shabu sa NAIA

Arestado ang isang 63-anyos na Korean national sa NAIA Terminal 1 dakong ala-1 ng madaling araw nitong Mayo 27, 2025 matapos mahulihan ng shabu sa final security screening!

Ang suspek ay patungong Incheon, South Korea ngunit hindi na nakaalis matapos mabuking ng mga operatiba ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) na may dala pala itong illegal na droga sa kanyang sling bag.

Tinatayang nasa Php 34,000 ang halaga ng nakumpiskang shabu. Bukod dito, narecover din ang drug paraphernalia, cellphone, travel documents, at mga ID.

Kasong paglabag sa Section 4, Article II ng RA 9165 ang kakaharapin ng banyaga dahil sa tangkang pagpuslit ng delikadong droga. Nasa kustodiya na ito ng mga awtoridad. | via Allan Ortega | Photo via PDEA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *