OCD: Walang matinding pinsala mula sa lindol sa Luzon

Isang magnitude 4.6 na lindol ang yumanig sa Quezon at ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila nitong Martes ng hapon, pero ayon sa Office of Civil Defense (OCD), wala namang malaking pinsala na naiulat.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), lokal na fault sa Sierra Madre ang pinagmulan ng lindol at hindi ito konektado sa West Valley Fault. Umabot na sa 19 ang naitalang aftershocks.

Patuloy ang paalala ng OCD sa publiko na manatiling kalmado at sundin ang mga safety guidelines. Wala ring naitalang sira sa mga dam sa Central Luzon gaya ng Angat, Ipo, Bustos, at Pantabangan, pati na rin sa Caliraya Dam.

Sa Calabarzon, ligtas din ang General Nakar, Quezon, at mga kalapit na probinsya. Agad na kumilos ang mga awtoridad sa nangyaring lindol, ang NDRRMC ay agad nagtipon sa virtual meeting kasama ang mga rehiyon para sa coordination response. Patuloy ang assessment ng mga lokal na disaster councils.

Paalala ni Sec. Teodoro dapat alerto ang lahat ng ahensya, mag-“Duck, Cover, and Hold,” at handa sa posibleng evacuation. Siguruhing gumagana ang alarm systems at palaging may backup plans. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA/Ben Briones

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *