Diretsahang tinanggihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga panawagang siya’y magbitiw sa pwesto. “Bakit ako magre-resign? Hindi ko ugali ang tumakbo sa problema,” ani Marcos sa panayam sa Malaysia matapos ang ASEAN Summit.
Giit niya, ang pagpapare-resign niya sa mga Cabinet at ahensya ay bahagi lang ng “reset” ng gobyerno—at hindi rason para siya rin ay bumaba sa pwesto. Nilinaw niyang ang layunin nito ay mapabuti ang serbisyo at magkaroon ng mas “performance-driven” na pamahalaan.
May “rigorous” o matinding performance review na isasagawa, hindi lang sa Cabinet kundi sa buong burukrasya. Hindi raw ito para sa pa-pogi lang: “Hindi ako gumagawa ng bagay para sa optics.”
Nanatili pa rin sa puwesto sina ES Lucas Bersamin at economic team niya. Ilang opisyal gaya nina Energy Sec. Raphael Lotilla at DFA Sec. Enrique Manalo ay inilipat sa ibang posisyon. May bagong talagang opisyal din gaya ni Ramon Aliling sa Housing at Ma. Theresa Lazaro sa DFA. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV