Isang abandonadong bahay sa Timog Hills Subdivision, Brgy. Pampang ang sinalakay ng PDEA at iba pang ahensya ng gobyerno nitong May 26, 2025, alas-4 ng hapon. Tumambad sa mga otoridad ang mahigit ₱1 bilyong halaga ng shabu na nakasilid sa 155 plastic bags – tinatayang 1 kilo bawat isa!

Ayon kay PDEA Chief Usec. Isagani Nerez, ang bahay ay pagmamay-ari ng isang Chinese national na hindi nahuli at kasalukuyang pinaghahanap. Kakaharapin nito ang kasong paglabag sa RA 9165.
Hindi pa man nakaka-recover ang lungsod, isang buy-bust operation rin ang naganap mahigit isang linggo pa lang ang nakaraan kung saan 35 kilong shabu ang nasamsam at dalawang suspek (isang Chinese at Filipina) ang naaresto.
“Magkaugnay ang dalawang operasyon,” ani Usec. Nerez. “Patuloy naming tinutugis ang mga sindikatong ito.”
PDEA tiniyak na tuloy-tuloy ang laban – mula bigtime drug lord hanggang sa maliliit na tulak sa kanto, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos. | via Allan Ortega | Photo via PDEA
#D8TVNews #D8TV