Nagdadalamhati ang industriya ng musikang Pilipino sa pagkawala ng isang tunay na alamat. Pumanaw na ngayong araw Mayo 27 sa Philippine Heart Center Hospital si Freddie Aguilar, ang batikang singer-songwriter na kilala sa kanyang makapangyarihang tinig at mga awiting puno ng damdamin. Siya ay 72 taong gulang. Ayon sa isang post ng kanyang asawa na si Jovie Albao Aguilar, isang linggo na si Freddie Aguilar sa PHCH ngunit hindi na sila nagbigay pa ng ibang detalye. Bukas naman itinakda na ilibing ang singer alinsunod ito sa Muslim Rites.
Si Aguilar ay haligi ng Original Pilipino Music (OPM) at sumikat sa mga walang kamatayang kanta gaya ng “Anak,” “Estudyante Blues,” “Magdalena,” “Bayan Ko,” at “Ipaglalaban Ko.” Hindi lamang niya nahaplos ang puso ng milyon-milyong Pilipino, kundi ang kanyang musika ay nagsilbing himig ng personal at pampulitikang pakikibaka ng bansa.
Rest in peace, Freddie Aguilar.
#D8TVNews #D8TV