Pilot Run ng 911 Emergency Hotline, Aarangkada na sa NCR at BARMM

Magsisimula na sa July 2025 ang pagpapatupad ng Unified 911 Emergency System sa National Capital Region (NCR) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang Unified 911 ay inaasahang magpapabuti sa koordinasyon ng mga emergency response teams at magbibigay ng mas mabilis na serbisyo sa publiko. Layunin ng sistemang ito na pag-isahin ang lahat ng emergency hotlines sa isang numero 911 upang mapabilis ang pagtugon sa mga insidente tulad ng sunog, krimen, at medikal na emerhensiya.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ang pilot implementation ay bahagi ng mas malawak na plano na ipatupad ang sistema sa buong bansa sa mga susunod na taon. Makikipagtulungan ang DILG sa mga ahensyang tulad ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Department of Health (DOH) upang matiyak ang maayos na operasyon ng 911 system. | via Dann Miranda | Photo via DILG

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *