Marcos: Bigyang-kakayahan ang kabataang ASEAN sa digital na katatagan

Sa 46th ASEAN Summit sa Malaysia, bumanat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga lider ng Timog-Silangang Asya: “Kailangan nating palakasin ang digital literacy ng kabataan kontra sa mga panloloko sa internet at cyber threats!”

Sa harap ng ASEAN Youth at mga lider ng rehiyon, binigyang-diin ni Marcos ang papel ng kabataan sa pagtataguyod ng isang makataong ASEAN community. Ayon sa Pangulo, habang dumarami ang oportunidad sa teknolohiya, kasabay rin nito ang panganib ng online scams, cyberbullying, fake news, at ang posibleng pag-abuso sa Artificial Intelligence (AI).

“Dapat nating bigyan ng tamang kaalaman at digital resilience ang kabataan para makaiwas sa panganib online,” panawagan ni Marcos.

Hindi lang ‘yan—hinimok din ni Marcos ang kabataan na maging aktibo sa laban kontra climate change, at pinuri ang tagumpay ng ASEAN Youth Climate Action Conference na ginanap sa Maynila kamakailan.
“Bilang mga lider, sabay nating armasan ang kabataan hindi lang para sa digital safety, kundi para sa kalikasan din,” giit ni Marcos. | via Allan Ortega | Photo via PCO

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *