Isang menor de edad at ang kanyang ama ang nakipagpalitan ng putok ng baril sa isang lalaki sa Brgy. Punto Tabuc, Roxas City nitong May 24.
Ayon sa paunang report ng mga pulis, kinilala ang mag-ama na mga taga-brgy siete at hindi ito ang unang beses na nasangkot ang mga suspek sa insidente ng pamamaril. Noong holy week, nagkaroon rin ng palitan ng putok sa lugar at ito ring mga taong ito ang sangkot sa insidente. Away sa droga ang tinitignang motibo ng mga kapulisan dahil sa lugar ng pinangyariihan ay nakakita sila ng 50 na sachet ng shabu, na-recover din nila sa lugar ang ilang basyo ng bala.
Kilala na ng kapulisan ang mga suspek ng pamamaril ngunit hindi pa nila ito isinasapubliko dahil sa kasalukuyang imbestigasyon na nagaganap. Nangako naman si Police Chief Master Sergeant Ramil Archangeles sa mga maaaring tumestigo laban sa mga suspek na poprotektahan nila ito. | via Dann Miranda | Photo via Brgy. Punto Tabuc CCTV
#D8TVNews #D8TV