3 Koreano ang nasabat ng BI sa Cavite

Tatlong South Korean nationals ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) matapos silang maaktuhang nagtatrabaho nang walang kaukulang permit sa isang pribadong resort sa lungsod ng General Trias.

sa isinagawang operasyon katuwang ang Philippine Navy at Philippine National Police nahuli ang tatlo sa mismong resort na matatagpuan sa loob ng isang subdivision. Ayon sa BI, kinilala ang mga dayuhang sina Oh Hyunsik, 51; Kim Haeyoung, 48; at Kim Seoyeong, 45. Lumabas sa kanilang surveillance na aktibong nagtatrabaho ang mga dayuhan sa resort kahit walang tamang dokumento o working visa.

Kasalukuyang nakakulong ang tatlo sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig habang isinasagawa ang mga proseso para sa kanilang deportasyon. | via Dann Miranda | Photo via BI

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *