Kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin na mayroon nang utos para magsagawa ng “Manhunt” upang matunton si dating Police Lt. Col. Rafael Dumlao III, mastermind sa pamamaslang sa isang South Korean businessmen noong 2016 sa loob mismo ng Camp Crame.
Binigyan diin naman ni Bersamin na nasa bansa pa si Dumlao, nakipag-usap na rin si Bersamin sa Korean Embassy ukol dito. Si Jee Ick-Joo ay isang Korean businessman na dinakip sa kanyang tahanan sa Angeles City, Pampanga. Natagpuang walang buhay si Jee sa loob ng kanyang sasakyan sa loob ng Camp Crame sa Quezon City, kinalaunan ay krenimate and labi ni Jee at finalush sa toilet.
Na-acquit si Dumlao sa isang korte sa Angeles City, ngunit kinalaunan ay binaliktad ng Court of Appeals (CA) ang desisyon. Sinibak sa pwesto si Dumlao at pinatawan ng reclusion perpetua o 20 hanggang 40 taon na pagkakakulong. Inutusan din si Dumlao na magbayad sa pamilya ni Jee ng P350,000. | via Dann Miranda | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV