Dumating sa Labuan, Malaysia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Linggo, Mayo 26, upang lumahok sa ika-46 na ASEAN Summit. Layunin ng kanyang pagbisita ang pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas sa mga kapwa miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Bago ang kanyang pag-alis, itinalaga ni Pangulong Marcos sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III bilang mga care taker ng bansa habang siya ay nasa Malaysia.
Ayon sa Malacañang, inaasahang makikibahagi si Marcos sa mga talakayan ukol sa isyu gaya ng seguridad sa West Philippine Sea, food security, climate action, at digital economy.
Bahagi rin ito ng adhikain ng administrasyon na isulong ang “Bagong Pilipinas” agenda. Gagamitin din ng Pangulo ang pagkakataon upang palalimin ang kooperasyon sa larangan ng ekonomiya, kalakalan, at seguridad sa rehiyon. | via Dann Miranda | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV