Patuloy na dinidilig ng ITCZ ang Mindanao

Patuloy ang banta ng ITCZ o Intertropical Convergence Zone sa Mindanao, ayon sa PAGASA ngayong Huwebes. Asahan ang kalat-kalat na ulan at thunderstorm sa buong isla. Posibleng magdulot ito ng flash flood at landslide!

Sa ibang bahagi ng bansa, may pana-panahong buhos ng ulan at kidlat dahil sa easterlies. Kahit wala pang binabantayang low pressure area, delikado pa rin sa baha kapag nagkasunud-sunod ang malalakas na ulan.

Bahagya hanggang katamtamang taas ang mga alon sa buong kapuluan.

Pero matindi pa rin ang heat index sa ilang lugar na pwedeng umabot sa 46°C sa Dagupan, Pangasinan at Aparri, Cagayan!

Babala ni PAGASA forecaster Benison Estareja “Magpayong at uminom ng maraming tubig”

Ang heat index ay ang “init na nararamdaman ng katawan” kapag isinama ang humidity sa tunay na temperatura.

Kapag umabot sa 42°C–51°C, pasok ka na sa “danger level” at peligro ito sa heat stroke, exhaustion, at cramps lalo na kung matagal sa araw! | via Lorencris Siarez | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *