PCW: Isinusulong ang pag-alis ng gender barriers sa maritime industry

Nanawagan ang Philippine Commission on Women (PCW) nitong Miyerkules na buwagin na ang mga gender barrier sa industriya ng maritime, kung saan patuloy na hindi nabibigyan ng pantay na oportunidad ang kababaihan.

Ayon kay PCW Chairperson Ermelita Valdeavilla, maraming kababaihan na ang nagpakitang-gilas bilang engineers, shipbuilders, harbor pilots, at naval officers. Pero sa kabila ng kanilang husay at tapang, humaharap pa rin sila sa diskriminasyon, kulang sa mentorship, limitadong training, at luma nang stereotypes.

“Sayang ang mga oportunidad kung hindi pa rin tatanggalin ang gender bias sa edukasyon, hiring, at promosyon,” aniya.

Ayon sa survey ng International Maritime Organization, lalaking-lalaki pa rin ang industriya — 19% lang ng maritime workforce ay babae, at 1% lang sa kanila ang nasa laot talaga.

Sa 2022 study ng National Maritime Polytechnic, lumabas na 28 lang sa 64 kumpanya ang may malinaw na polisiya para sa gender equality. Karamihan ng kababaihan ay nasa steward/catering roles (42%) at kakaunti ang nasa senior management (11%).

Bilin ni Valdeavilla: “Walang saysay ang numbers kung may diskriminasyon pa rin. Panahon na para gawing tunay na inclusive ang dagat!” | via Allan Ortega | Photo via PNA/Ben Briones

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *