Nauna nang nagpahayag ng kahandaan para magsumite ng courtesy resignation ang mga sumusunod na kalihim at opisyal ng gabinete:
- Amenah Pangandaman – Kalihim ng Department of Budget and Management (DBM)
Chair din ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), agad tumalima sa panawagan ng Pangulo. - Vince Dizon – Kalihim ng Department of Transportation (DOTr) “Itong ginawa ng Pangulo ngayon ay napakalakas at napakatibay na mensahe sa lahat ng kawani at opisyal ng gobyerno na kailangan sumunod tayo sa direktiba ng Pangulo,” ani Dizon.
- Hans Leo Cacdac – Kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW) Kabilang sa mga unang nagpahayag ng suporta at kahandaang magsumite ng resignation.
- Rex Gatchalian – Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) “I serve at the pleasure of the President,” tugon ni Gatchalian sa panawagan ng Malacañang.
- Ralph Recto – Kalihim ng Department of Finance (DOF) Tumalima rin sa utos ng Pangulo para sa malawakang reporma.
- Cristina Frasco – Kalihim ng Department of Tourism (DOT) Buong suporta sa direktibang layong muling ihanay ang gobyerno sa mga inaasahan ng mamamayan.
- Jesus Crispin Remulla – Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Nagpahayag ng kahandaan na sundin ang utos ni Pangulong Marcos Jr.
- Menardo Guevarra – Solicitor General. Isa sa mga opisyal na nagpahayag ng pakikiisa sa “bold reset” ng administrasyon.
- Eduardo “Ed” Aguda – Undersecretary, Office of the Executive Secretary. Sumunod sa panawagan para sa courtesy resignation.
- Jay Ruiz – Kalihim ng Presidential Communications Office (PCO). “To comply,” ayon kay Ruiz, bilang tugon sa panibagong direktiba ng Palasyo.
- Kiko Tiu – Undersecretary, Department of National Defense (DND). Nagpahayag rin ng kahandaang magsumite ng courtesy resignation.
Hiniling ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang courtesy resignation ng lahat ng kanyang Cabinet secretaries—isang hakbang na nagpapahiwatig ng malawakang reset sa kanyang administrasyon matapos ang resulta ng midterm elections.
“It’s time to realign government with the people’s expectations,” ayon sa pahayag mula sa Presidential News Desk. “This is not business as usual,” diin ng Pangulo. “The people have spoken, and they expect results—not politics, not excuses. We hear them, and we will act.” | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV