Nagpasalamat ang Russia kay Pope Leo XIV sa alok nitong mag-host ng usapang pangkapayapaan

Nagpasalamat ang Kremlin kay Pope Leo XIV sa alok nitong Vatican bilang lugar ng peace talks sa pagitan ng Russia at Ukraine. Pero ayon kay Kremlin spokesperson Dmitry Peskov nitong Martes, wala pang pinal na desisyon ukol sa venue.

“Alam ng lahat ang inisyatibo ng Santo Papa,” ani Peskov sa panayam ng Russian news agency Tass. “May pahayag na rin mula sa Vatican.” Dagdag niya, “Lubos ang pasasalamat ng Russia sa sinumang gustong tumulong.”

Pero nilinaw ni Peskov na, “Wala pa ring tiyak na pasya kung saan itutuloy ang posibleng negosasyon.” | via Allan Ortega | Photo via ANSA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *