Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang posibleng pagkakasundo nina Pangulong Bongbong Marcos at VP Sara Duterte!
Ayon kay Fr. Jerome Secillano ng CBCP-ECPA, magandang senyales para sa bansa kung magkaayos ang dalawang pinakamataas na lider. “Unity at reconciliation, laging maganda ‘yan para sa bayan,” ani Secillano sa panayam sa isang radio station.
Sinabi ni Marcos sa isang podcast na bukas siyang makipag-ayos sa pamilya Duterte—ayaw raw niya ng gulo. Sana raw, sagutin ni VP Sara ang alok ng kapayapaan.
Matatandaang nagkasama sa halalan 2022 sina Marcos at Duterte pero nagkaproblema ang kanilang relasyon dahil sa isyu ng confidential funds sa OVP at DepEd, na pinamunuan noon ni Duterte bago siya nagbitiw noong Hunyo 2024.
At ngayong Hulyo, nakatakdang humarap sa impeachment trial si VP Sara. | via Allan Ortega | Photo Courtesy of VeritasPH
#D8TVNews #D8TV