May binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility, ayon sa PAGASA. Alas-3 ng madaling araw, nasa 295 km timog-silangan ng Kalayaan, Palawan ang LPA at kasalukuyang nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Walang bagyong inaasahan ngayon pero magdadala ito ng kalat-kalat na ulan at pagkidlat-pagkulog sa Palawan, Mindanao, Western Visayas, at Negros Island. Maging alerto rin ang Eastern Samar, Leyte at Southern Leyte posibleng magdulot ng flash flood o landslide, may katamtaman hanggang malakas na pag-ulan! Banayad hanggang katamtaman pa rin ang hangin at alon sa buong bansa.
Samantala, tinatayang aabot sa 45°C ang heat index sa Aparri, Cagayan. Hindi rin nagpapahuli ang Laoag, Dagupan, Tuguegarao, Aurora, Isabela at Tarlac na aabot sa 44°C. Ilang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao, makadarama din ng 42°C-43°C na init.
Paalala ang ganitong level ng init ay pwedeng magdulot ng heat cramps, exhaustion, at heat stroke kaya iwasan ang matagalang exposure sa araw! | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV