Nagbabala ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa Negros Oriental laban sa mga establisyemento at ahensya—pribado man o gobyerno—na tumatanggi sa digital na bersyon ng National ID. Ayon kay PSA provincial head Ariel Fortuito, ilang tanggapan na ang sinulatan nila matapos hindi kilalanin ang digital ID.
Wala pang naparusahan sa ngayon dahil agad namang sumunod ang mga pasaway matapos pagsabihan. Nilinaw ni Fortuito na may tatlong lehitimong bersyon ng National ID: Pisikal na ID mula sa PhilPost, e-Phil ID na papel at Digital ID na puwedeng i-download sa website ng PSA.
Rekomendasyon pa ng PSA ipa-laminate ang e-Phil ID para hindi agad masira! At ang Good news magkakaroon na rin ng machines sa mga probinsya para diretsong makapag-imprenta ng physical ID! | via Lorencris Siarez | Photo via PNA/Mary Judaline F. Partlow
#D8TVNews #D8TV