Binalaan ang mga Pilipino sa Hong Kong laban sa mga alok na surrogacy jobs

Nagbabala ang Philippine Consulate sa Hong Kong laban sa mga alok na “surrogacy jobs” sa Georgia! Target daw ng sindikato ang mga Pinay domestic workers na katatapos lang ng kontrata. Pinalalabas silang babalik sa HK, tapos itinatakas papuntang Georgia sa pamamagitan ng UAE o Qatar. Pagdating doon, ilang biktima raw ay ginahasa at pinilit magpalaglag!

Hindi pa diyan natatapos — may mga visa fixer din na nagpapanggap na taga-agency! Ang singil ay umaabot sa HK$25,000 kapalit ng pekeng employer at visa sponsor. Pero kapag nahuli, kulungan ang bagsak! May ilan nang Pinay na nasakote at nakulong dahil sa “False Representation” sa Immigration.
Paalala ng consulate kung gusto mong magtrabaho abroad, dumaan sa lehitimong recruitment at accredited agencies, huwag magpaloko dahil buhay mo ang nakataya! | via Lorencris Siarez | Photo via Xinhua

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *