ITCZ at easterlies magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa bansa

Maraming bahagi ng bansa ang makakaranas ng kalat-kalat na ulan at pagkidlat-pagkulog ngayong Lunes, ayon sa PAGASA. Dulot ito ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies.

Masasaksihan ang matitinding ulan sa Mindanao, Negros Oriental, Siquijor, Palawan (dahil sa ITCZ) at Eastern Samar, Leyte, at Southern Leyte (dahil sa easterlies)

May banta ng flash floods at landslide sa mga nabanggit na lugar!

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa asahan ang isolated thunderstorms. Mahina hanggang katamtamang hangin at katamtamang alon sa dagat. Walang nakikitang bagyo o low pressure area.

Higit 20 lugar naman ang makakaranas ng “danger level” na heat index! Pinakamainit sa Dagupan at Aparri – 45°C, Laoag, Tuguegarao, Isabela, Cavite, CamSur – 44°C, Ilocos, Aurora, Batangas, Quezon, Palawan – 43°C at Metro Manila, Bulacan, Albay, Iloilo, Samar, atbp. – 42°C.

Payo ng PAGASA iwasang magbabad sa matinding init ng araw at ugaliing uminom ng maraming tubig. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *