Asahan na ang mas mababang singil sa kuryente ngayong Mayo! Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), bumagsak ng 28.45% ang transmission rates — mula ₱1.524/kWh noong nakaraang buwan, ngayon ay ₱1.0904/kWh na lang!
Ang transmission charges ay bahagi ng bill na binabayaran para maihatid ang kuryente mula planta papunta sa bahay. Ayon kay NGCP exec Julius Ryan Datingaling, ngayong Mayo, 46 sentimos/kWh na lang ang singil nila sa delivery ng kuryente. Malaking bahagi ng natitirang singil ay para sa ancillary services — ito ang backup power galing sa ibang suppliers kapag kulang ang suplay.
Ang good news pa bumaba rin ang ancillary service rates ng 36% – mula ₱0.8094/kWh ay naging ₱0.5175/kWh na lang.
Hindi rin nagpahuli ang Meralco! Nagbawas sila ng 75 sentimos/kWh kaya ang total singil nila ngayong Mayo ay ₱12.2628/kWh na lang — mula ₱13.0127/kWh noong Abril.
Samantala, hinihintay pa ng NGCP ang opisyal na desisyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) tungkol sa kanilang bagong rate approval. May ₱28.29B daw na hindi pa nababawi ang NGCP mula sa mga proyektong inuna nila noong 2016–2022. | via Allan Ortega | Photo via MSN
#D8TVNews #D8TV