Mayo 16, 2025 — Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na walang nakikitang legal na hadlang upang ipagpaliban o ipahinto ang proklamasyon ni dating Senadora Leila de Lima bilang nominee ng isang party-list group.
Ayon sa COMELEC, ang desisyon ng Court of Appeals na naghatol kay De Lima sa isa sa mga kasong kriminal na isinampa laban sa kanya ay hindi pa pinal at maaari pang kuwestyunin sa pamamagitan ng motion for reconsideration. Dahil dito, hindi ito maituturing na final conviction na maaaring magsilbing basehan upang i-disqualify siya sa proklamasyon.
Dagdag pa ng ahensya, wala ring nakabinbing kaso laban sa ML party-list, na siyang nag-nominate kay De Lima sa kanilang listahan ng mga kinatawan.
#D8TVnews #D8TV