BIR pinaalalahanan ang mga kandidato sa kanilang obligasyong magbayad ng buwis

Paalala ng Bureau of Internal Revenue (BIR): Lahat ng tumakbo sa halalan 2025, kabilang ang mga partido at party-list, ay may obligasyong sumunod sa batas sa buwis!

Iginiit ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na kailangan ng mga kandidato at organisasyon na mag-isyu ng BIR-registered na resibo para sa lahat ng natatanggap nilang donasyon—kahit cash o goods.
Hindi lang ’yan! Dapat magbawas sila ng 5% tax sa mga binabayarang suppliers nila.

Dagdag pa ni Lumagui, kailangan nilang isumite ang Statement of Contribution and Expenditure (SOCE) hindi lang sa Comelec kundi pati na rin sa BIR para makita kung tama ang kanilang pagsunod sa batas.
Kung may natirang donasyon taxable yon! Kapag lumampas ang donasyong natanggap sa gastos, dapat bayaran ang income tax para sa sobrang pera.

Kapag hindi sila sumunod, posibleng makasuhan ng tax evasion—at pwede pang madiskwalipika!“Walang exempted, lahat dapat sumunod,” giit ni Commissioner Lumagui. | via Allan Ortega | Photo via BIR

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *