Tinutukan ng NBI-Intellectual Property Rights Division ang matitinik na tindahan ng mga pekeng produkto sa Parañaque, Malabon, at Maynila nitong Mayo 6-7!
Aabot sa P55 milyon ang halaga ng mga pekeng gamit na kinumpiska matapos ang serye ng search warrant laban sa mga lumalabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code ng bansa. Target ng operasyon ang mga pekeng branded items gaya ng Oakley, Gucci, at Yves Saint Laurent (YSL).
Sa Parañaque, sinugod ang AJS Online/Sarigayo Online Store kung saan nakuha ang 1,083 piraso ng pekeng Oakley na nagkakahalaga ng P3.5M.
Kinabukasan, tinarget ang 4 na tindahan sa Binondo, Maynila at isang bodega sa Malabon, kung saan nasabat ang 1,024 pekeng Gucci at YSL items na aabot sa P51.6M!
Babala ni NBI Director Jaime Santiago: ‘Wag tangkilikin ang peke! Suportahan ang lehitimong negosyo para umangat ang ekonomiya ng bansa! | via Allan Ortega | Photo via NBI PIO
#D8TVNews #D8TV