Umuugong ang pangalan ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa senatorial race—pero kahit pasok sa Top 5, handa raw siyang mag-resign kung maipapasa ang anti-political dynasty bill!
Sinabi ni Tulfo na buo ang suporta niya sa panukala kahit hindi siya ang maghain nito. “Kung ipapasa ‘yan, magbibitiw ako. Co-author pa ako kung kailangan!” matapang na pahayag niya.
At hindi lang siya—pati kapamilya niya, uudyukan niyang magbitiw rin! Target niya pa ngang kausapin si Sen. Raffy Tulfo at iba pang kaanak na nasa pwesto: “Wag natin tularan ang iba. Mas marami diyang mas matapang at mas karapat-dapat.”
Matatandaang noong Pebrero, kasama niya si ex-Sen. Ping Lacson sa pagsisisi kung bakit walang malinaw na anti-dynasty law sisi nila sa kongreso.
Kahit may disqualification case noon laban sa kanila ng ilang kapamilya, tuloy pa rin ang suporta ni Tulfo sa batas kontra political dynasty.
Si Tulfo ay nasa pang-apat na position para sa pagka-senador sa partial count ng Comelec na may 16.8 million votes. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV