PAGASA : Asahang uulanin ang ilang bahagi ng bansa dahil sa ITCZ

Nagbabala ang PAGASA na ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Mindanao, Leyte, Southern Leyte, Eastern Samar, at Palawan. Posible itong magresulta sa flash floods at pagguho ng lupa, lalo na sa mga mabababang lugar.

Samantala, kasabay ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa, matinding init naman ang mararanasan sa iba. Ayon sa PAGASA ang heat index na aabot sa 43°C sa mga lugar gaya ng Dagupan City, La Union, Zambales, at Occidental Mindoro.

Hindi rin ligtas ang iba pang bahagi ng Luzon at Visayas, kung saan aabot sa 42°C ang heat index — kabilang ang Iloilo City, Capiz, Palawan, Batangas, at Aurora. Sa ganitong antas ng init ay nasa “danger” category, na maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, o heat stroke sa mga matagal na maa-expose sa araw.

Wala namang naitalang Low Pressure Area (LPA) na maaaring maging bagyo sa ngayon, ngunit pinapayuhan ang publiko na maging alerto at mag-ingat, lalo na sa mga lugar na apektado ng matinding panahon. | via Dann Miranda | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *