Humigit-kumulang 200 delegasyon mula sa iba’t ibang bansa ang inaasahang dadalo sa engrandeng inagurasyon ni Pope Leo XIV, ayon sa pulong ng Provincial Committee for Order and Security nitong Martes sa prefecture ng Rome.
Sa mga bigating bisita, kumpirmado ang pagdating nina US Vice President JD Vance, ang Spanish royal family, Israeli President Isaac Herzog, at mga pinuno ng European Union.
Ang unang malaking kaganapan ng Jubilee Year kasama si Pope Leo XIV ay gaganapin sa Mayo 14, Miyerkules.
Inaabangan ng mga deboto ang Jubilee ng Eastern Churches, kung saan makakaharap nila ang American-born na Santo Papa sa Paul VI Hall sa ganap na 10 a.m., kumpirmado ng Vatican.
Sa ngayon, ang tanging public appearance ni Pope Leo XIV ay noong Linggo sa Regina Coeli, kung saan binati niya ang mga bandang nagdiriwang ng kanilang Holy Year sa Roma. | via Allan Ortega | Photo via ANSA
#D8TVNews #D8TV