Bukas ang Malacañang sa mga lehitimong oposisyon sa 20th Congress, ayon kay Palace Press Officer Claire Castro. Pero lalabanan daw nila ang mga “obstructionist” na ang habol lang ay pansariling interes.
Ito’y kasunod ng pahayag ni VP Sara Duterte na bubuo siya ng isang “makapangyarihang oposisyon” laban sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, habang lumalabas na ang partial results ng 2025 elections.
“Anuman ang kulay nila, welcome sila basta’t para sa bayan,” ani Castro. Pero paglilinaw niya, ang tunay na oposisyon ay naglilingkod sa taumbayan, samantalang ang obstructionist ay puro panira lang sa gobyerno. Kung may magpakalat ng fake news o paninira, “sagot agad kami,” dagdag ni Castro.
Sa Senatorial race update kalahati ng “Magic 12” ay mula sa pro-admin Alyansa para sa Bagong Pilipinas, sa Duterte bets 4 ang pasok at 2 sa oposisyon. | via Lorencris Siarez | Photo via RTVM
#D8TVNews #D8TV