Walang humpay ang kampanya kontra droga! Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), umabot sa P32.76 milyon ang halaga ng ilegal na droga na nasabat nila mula Mayo 2 hanggang 9, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa loob ng isang linggo, 51 operasyon ang isinagawa—kasama na ang buy-bust, raid, at marijuana eradication. Siyamnapu’t siyam (69) na tulak at gumagamit ang tiklo! Nasabat ang 3.6 kilo ng shabu, mahigit 30 kilo ng tuyong marijuana at 16,580 na puno ng marijuana.
Tinutukan ng PDEA ang mga rehiyon gaya ng Central at Western Visayas, Caraga, Zamboanga Peninsula, at Cordillera.
Ayon kay PDEA Chief Usec. Isagani Nerez, “tuloy-tuloy ang operasyon, walang pagod, hanggang sa makamit ang Pilipinas na walang droga!” via Lorencris Siarez | Photo via PDEA
#D8TVNews #D8TV