Demokrasya muling pinagtibay: Panawagan ni PBBM ng pagkakaisa matapos ang midterm elections

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga bagong halal na opisyal na isantabi na ang pulitika at makipagtulungan sa gobyerno matapos ang 2025 midterm elections.

“Ang pamahalaan ay responsibilidad ng lahat. Kailangan natin ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikabubuti ng bayan,” ani Marcos sa isang pahayag nitong Martes. “Sa mga nanalo, kahit anong partido pa kayo, bukas ang aking palad. Sama-sama tayong magtulungan.”

Ang panawagan ay kasunod ng mainit na halalan kung saan milyon-milyong Pilipino ang bumoto para sa halos 18,000 posisyon.

Nagpasalamat din ang Pangulo sa mga botanteng Pilipino at pinuri ang mapayapa at marangal na eleksyon.

“Maraming salamat sa bawat Pilipinong bumoto. Muling napatunayan ang tibay ng ating demokrasya,” dagdag niya.

Binanggit din ni Marcos ang mga problemang dapat tutukan tulad ng inflation, kawalan ng trabaho, at katiwalian.

Sa pinakahuling bilang, anim sa 12 nangungunang senador ay mula sa administrasyong Alyansa para sa Bagong Pilipinas.

“Hindi man natin nakuha lahat ng puwesto, tuloy ang laban,” aniya. Pinuri rin niya ang mga natalong kandidato: “Iginagalang ko ang inyong tapang. Hindi lang eleksyon ang sukatan ng tunay na serbisyo.”

Nagtapos si Marcos sa panawagan ng pagkakaisa, na may halaw mula sa kanyang ama: “Dapat tayong magtagumpay bilang isang sambayanang Pilipino—nagkakaisa, nagmamahalan, isang pamilya.” | via Allan Ortega | Photo via PCO

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *