Todo ang seguridad! Mahigit 5,000 pulis ang ipakakalat sa buong Roma sa Mayo 18 para sa engrandeng inauguration ni Pope Leo XIV, ayon kay Rome Prefect Lamberto Giannini.
Katulad ng higpit noong libing ni Pope Francis, aasahan ang matinding seguridad, may mga sniper, divers, escort units, air support mula Air Force, at anti-drone operations!
Aabot sa 250,000 katao ang inaasahang dadalo sa St. Peter’s Square para saksihan ang makasaysayang enthronement ng bagong Santo Papa.
Ani Giannini, “Handang-handa na kami. Patuloy ang paghahanda.” | via Allan Ortega | Photo via Azertac
#D8TVNews #D8TV