Ngayon Martes ng umaga 2:55 a.m., sumabog ang Bulkang Kanlaon sa loob ng limang minuto, ayon sa Phivolcs. “Moderately explosive” ang tawag sa pagputok na yan na naglabas ng makapal na abong umabot sa 3 kilometro ang taas!
Naramdaman ang ashfall sa ilang bahagi ng Negros Occidental tulad ng La Carlota (Brgy. Cubay, San Miguel, Yubo, Ara-al), Bago City (Ilijan, Binubuhan), at La Castellana (Biak-na-Bato, Sag-ang, Mansalanao).
Sa Barangay Pula, Canlaon City at La Castellana, narinig pa ang malalakas na ugong ng pagsabog!
May bumabang apoy na pyroclastic density currents (PDCs) mula sa southern slopes, na abot ng 2 kilometro mula sa bungang ng bulkana. Ayon sa Phivolcs, may mga nagsisiliparang naglalakihang bato at nasunog ang mga halaman sa paligid.
Nasa Alert Level 3 pa rin — ibig sabihin, may banta ng panibagong pagsabog na posibleng mas delikado! Kaya’t mahigpit ang paalala na mag-evacuate ang mga resident na nasa sa loob ng 6-km danger zone, para makaiwas sa matinding ashfall, bato, lahar, at iba pang panganib.
Gumamit ng face mask o basang tela lalo na ang mga matatanda, buntis, sanggol at may sakit sa baga. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV