Pinangunahan ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagdinig ng Senate Committee on Basic Education upang suriin ang planong reporma ng Department of Education (DepEd) sa Senior High School (SHS) program. Layunin ng reporma na bawasan ang core subjects mula 15 tungo sa limang pangunahing subject at pahintulutan ang mga estudyante na pumili ng mga elective batay sa kanilang nais na karera.
Gayunpaman, ipinahayag ni Gatchalian ang pangamba na maaaring hindi sapat ang mga pagbabagong ito upang matiyak ang kahandaan ng mga mag-aaral para sa kolehiyo. Binanggit niya na ang kakulangan ng resources sa ilang paaralan ay maaaring hadlangan ang epektibong pagpapatupad ng bagong kurikulum.
Sa parehong pagdinig, inamin ni DepEd Undersecretary Gina Gonong na ang limang core subjects ay hindi sapat upang ihanda ang mga estudyante para sa kolehiyo. Aniya, kinakailangan ang mga elective upang matugunan ang mga partikular na pangangailangan ng bawat kurso sa kolehiyo. Ang bagong SHS program ay nakatakdang ipatupad sa School Year 2026–2027 at isasagawa sa 727 paaralan sa buong bansa. | via Dann Zand’te Miranda | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV