Pag-atras ng ilang guro, hindi makakaapekto sa halalan — COMELEC

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na handa at determinado ang karamihan sa mga guro na gampanan ang kanilang tungkulin bilang electoral board members sa darating na halalan sa Mayo 12.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, tanging 30 guro mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang umatras dahil sa mga kadahilanang pangkalusugan o personal. Ang mga guro ay nagsisilbing electoral board members, na nangangasiwa sa pagboto at pagbibilang ng boto sa mga presinto.

Ipinangako ng COMELEC ang agarang pagbibigay ng honoraria at allowances ng mga guro. Dagdag pa rito, tiniyak ng ahensya na may sapat na seguridad at suporta mula sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa araw ng halalan. | via Dann Zand’te Miranda | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *