Mainit na panahon at pag-ulan, inaasahang mararanasan sa buong Pilipinas

Walang binabantayang bagyo o low pressure area ngayon, pero dahil sa easterlies, asahan ang malalakas na ulan at thunderstorm sa silangang bahagi ng Central Luzon, ayon sa PAGASA ngayong Biyernes.

Sa ibang parte ng bansa, mainit sa tanghali pero biglaang ulan at thunderstorm ang pwedeng maranasan sa hapon at gabi. Sa Aurora, posible ang kalat-kalat na ulan kaya mag-ingat sa posibleng baha at landslide.

Patuloy ang katamtamang hangin at alon sa buong kapuluan.

INIT ALERT!

Tuguegarao: hanggang 35°C
Metro Manila, Kalayaan Islands, Zamboanga, Davao: hanggang 34°C

Heat index sa Metro Manila pwedeng umabot ng 40°C hanggang 42°C! Sa ilang parte ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Visayas at Mindanao – heat index ay aabot ng 43°C!
Paalala: ‘Danger level’ na ang ganitong init – posibleng magdulot ito ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke lalo na kung matagal sa ilalim ng araw. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *