Isang gated-community sa Quezon City ang nabulabog sa pagsabog kahapon May 8.
Ayon sa statement na inilabas ng Quezon City Police District (QCPD), dalawang hindi pa tukoy na indibidwal na sakay ng isang motorsiklo ang nakita ng mga tao sa lugar na nagtapon ng isang pampasabog sa isang establisyemento. Wala namang napaulat na nasaktan sa insidente pero isang naka-park na motorsiklo naman ang tinamaan ng pampasabog.
Inaalam pa ng Philippine National Police Explosives and Ordnance Division (PNP-EOD) at Forensic group kung anong uri ng pampasabog ang ginamit ng mga salarin. Hinihimok naman ng QCPD ang publiko na ipagbigay alam sa kanila ang kahit na anong impormasyon na makaktulong sa pagtukoy sa mga salarin | via Dann Zandโte Miranda | Photo via QCPD
#D8TVNews #D8TV
