Bumaba sa 42% ang self-rated poverty, at 35% naman ang food poverty — ayon sa OCTA

Bumaba na sa 42% ang porsyento ng mga pamilyang Pilipino na itinuturing ang sarili nilang mahirap, ayon sa pinakabagong survey ng OCTA Research. Mula sa dating 50% noong November 2024, nasa 11.1 milyon na lang ngayon ang nagsabing sila ay mahirap—bawas ng 2.1 milyon.

Mas gumanda rin ang sitwasyon pagdating sa pagkain. 35% o 9.2 milyong pamilya ang nagsabing sila’y food-poor, mas mababa sa 49% noong nakaraang quarter—katumbas ng 3.7 milyong pamilyang hindi na masyadong naghihirap sa pagkain.

Ngunit hindi lahat ay panatag. Mindanao ang may pinakamataas na bilang ng nagsasabing sila ay mahirap (61%), kasunod ang Visayas (60%). Sa Class E o pinakamahirap na sektor, aabot sa 69% ang nagsabing sila ay hirap sa buhay.

Pagdating sa pagkain, Mindanao pa rin ang pinakaapektado sa 63%, habang ang Metro Manila ang may pinakakaunting food-poor sa 14%.

Isinagawa ang survey sa 1,200 katao sa buong bansa mula April 10-16, 2025, gamit ang face to face interview. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *