Bagong pag-asa ang dala ng 16 solar-powered irrigation systems na itatayo sa Albay, ayon sa National Irrigation Administration-Bicol (NIA-5). Sa halagang P320 milyon, higit 269 ektarya ng palayan ang maseserbisyuhan—na malaking tulong sa 265 na magsasaka mula Daraga, Libon, at Legazpi City!
Ayon kay NIA-5 PR Officer Ma. Cleofe Baraero, ang proyektong ito ay bahagi ng modernisasyon ng irigasyon na magbibigay ng tuloy-tuloy na tubig sa mga taniman, kahit walang ulan. Mas mataas na ani, mas mababang gastos, at mas malaking kita ang hatid!
Pagkatapos ng halalan, pito sa mga irrigators’ associations ang makikinabang at mamamahala sa mga proyekto.
Ayon kay Maurice Ian Lunuas ng Alobo-Gapo Association: “Dati, asa lang kami sa ulan. Ngayon, tiyak na mas marami kaming aanihin!”
Si Ceferino Abat ng Tamban Irrigators ay masaya ring naipaplano na nila ang taniman, na nakakatulong para iwas peste. Dagdag niya, “Mas malaki ang ani, mas maayos ang buhay ng pamilya. Salamat kay Pangulong Marcos Jr.!”
Sabi naman ni agriculturist Edmar Sevilla: “Dati, dalawang ani lang kada taon. Ngayon, posibleng tatlo!” | via Lorencris Siarez | Photo Screnshot from NIA-5
#D8TVNews #D8TV