Tukoy na ang salarin sa brutal na pagpatay sa 89-anyos na mamamahayag na si Juan Dayang sa loob ng kaniyang bahay sa Kalibo, Aklan noong April 29.
Sa presscon, kinilala ni Maj. Frensy Andrade ng Kalibo PNP ang suspek na si Kim Wency Antonio ng Valencia, Negros Occidental. Bago ang krimen, nag-check in ito sa hotel at nag-renta ng motor sa Kalibo—ginamit pa ang tunay na pangalan at valid ID!
Nalaman pa ng pulisya na may dating kaso si Antonio sa droga sa Pasig City noong 2021 sa ilalim ng RA 9165. Ayon kay Brig. Gen. Jack Wanky ng PRO-6, April 3 pa lang ay nasa Kalibo na si Antonio at nagmamanman gamit ang nirentang motor. Nang barilin si Dayang, iba na ang motorsiklo.
May 2, nakalabas na ng Western Visayas si Antonio via Iloilo Airport. Pinaniniwalaang hired killer ito, at may utak sa likod ng pagpatay.
P500,000 REWARD ang alok nina Gov. Jose Enrique Miraflores at Mayor Juris Sucro para sa impormasyon laban sa salarin.
Si Dayang ay pinaslang habang nanonood ng TV. Isa siyang kilalang journalist, dating OIC-mayor ng Kalibo, at haligi ng Aklan Press Club. | via Allan Ortega | Photo Screenshot from Kalibo Cable TV Community Channel
#D8TVNews #D8TV