Umaasa ang DOJ na dadalo si VP Sara sa pagdinig kaugnay ng kasong “killing threat” kay PBBM

Hinimok ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Vice President Sara Duterte na dumalo sa muling pagbubukas ng preliminary investigation kaugnay ng mabigat na paratang laban sa kanya.
Ang kaso: diumano’y sinabi ni VP Sara noong November sa isang galit na galit at mura-murang online briefing na may inarkila na siyang mamamatay-tao para patayin si Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez—kung sakaling matagumpay ang umano’y plano sa kanyang buhay.
Isinampa ang kaso sa DOJ matapos tanggihan ni Duterte ang imbitasyon ng NBI para magpaliwanag.
Sabi ni Remulla: “Karapatan niya ‘yon, sana gamitin niya.” Pero giit din niya, may choice si VP Sara na huwag dumalo dahil abogado naman siya at alam ang proseso.
Sa seguridad, sinabi ni Remulla na makipag-ugnayan na lang ang kampo ni Duterte sa mga piskal. “Hindi siya basta tao lang, opisina ng bise presidente ang kinakatawan niya—kaya may respeto,” aniya. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *