Ekonomiya ng tumaas sa unang quarter ng 2025

Lumago ng 5.4% ang ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Pinangunahan ng wholesale at retail trade, financial services, at manufacturing ang paglago, habang lahat ng pangunahing sektor—agrikultura, industriya, at serbisyo—ay nagtala rin ng positibong pagtaas.
Sa bahagi ng paggasta, mas mataas ang household spending (5.3%), at mas malaki pa ang ginastos ng gobyerno na umabot sa 18.7%. Tumaas din ang exports, imports, at investments. Umangat naman ang Gross National Income (7.5%), habang tumaas ng 24.6% ang kita mula sa ibang bansa.| via Dann Miranda | Photo via PSA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *